Rainie Shane's Story

“Hanggang sa muling Pagkikita”


May mga bagay talaga dito sa mundo na minsan talaga ay mahirap paniwalaan. O kaya minsan nasusukat din ang hangganan ng iyong katatagan at paniniwala. At minsan may mga tanong na nais nating bigyan ng sagot ngunit minsan hindi natin makuha. gaya ng aking kwento.
Makalipas ang 7 taon hanggang ngaun sariwa parin sa aking alaala ang bawat pangyayaring naging bahagi na ng aking buhay at hanggang ngaun ay hindi ko parin malimutan. Nakilala ko si Gerald noong akoy nasa 3rd year College pa palang ako nun. Sa loob ng sandaling panahon ay naging magkaibigan kami at naging magkasama kami sa araw araw. Madalas kaming magkwentuhan noon tungkol sa aming mga buhay buhay at naging magkasundo kami nun.naaalala ko pa nga noon yung unang araw na makilala ko iyong taong yun e, kilala na sya sa aming paaralan nun dahil kasama sya sa grupong "THE BOYS"
 kaya siya naging popular sa aming paaralan.dahil isa sya sa kasama sa grupong dancer sa aming paaralan.inis na inis nga ako sa taong yun dahil sa kayabangan nito at kilala sa pagiging babaero nito. At nataon na naging klasmate ko ito. At magkatabi pa kami nito sa upuan. Kaya ang mga kaibigan ko naman nun ay sayang saya dahil naging klasmate pa namin ito. Miss Im “Gerald Perez” E ikaw anong pangalan mo?? Napatingin ako nun sa kanya dahil biglang nagsalita sya ng malakas na halos sigawan nya ako samantalang magkatabi lang naman kami nun!
Im “Rainie Shane Sandoval”. Pagalit na sagot ko at may kasama pang irap sa kanya. lalo nanaman madagdagan ang inis ko sa kanya nun. Eto naman o ang ssungit parang nagpapakilala lang naman ako e! e kasi ang yabang mo nakakainis ka hindi ka man lang marunong ng tamang timing para makipag usap sa akin! Wala ako sa mood para makipag usap sayo ok! Sa ingay naming na iyon namalayan ko nalang na pinagtitinginan na pala kami nun ng aming mga kaklase.at napatingin ako sa mga kaibigan ko na pinagtatawanan na pala kaming dalawa. Ikaw naman ang sungit mo naman parang nagpapakilala lang naman ako e! sa iba ka nalang magpakilala hindi ako interesado sayo! Tanging nakakalokong ngiti nalang ang naisagot nya sa akin nun. Sabay alis sa aming upuan.
Oy Shane! Bati sa akin ng aking mga kaibigan habang naglalakad kami pauwi. Bakit mo naman pinahiya si Gerald kanina e nagpapakilala ng maayos sayo ang tao? Wala akong pakialam sa kanya! Wala ako sa Mood makipagusap sa kanya. Naiinis ako sa kanya! Huh bakit friend? Sabat ni Jenny. Ang laki ng galit mo sa tao eh wala naman syang ginagawa sayo? Basta naiinis ako sa kanya tapos! At ng mga sumunod na araw palagi na lang nya akong kinukulit hindi ko nalang pinapansin para hindi ko nalang sya maaway. Napansin ko nalang na pinagtatawanan nya ako habang nagsusulat ako ng aming lesson na kinukopya namin sa blackboard. “At bakit mo ako pinagtatawanan? Sabi ko sa kanya. Wala lang. napaka sungit mo kasi pati sa pagsusulat mo nakasimangot ka parin? E anong pakielam mo? Bat kaba nakikialam? Wala gusto ko lang makipag kaibigan sayo. E hindi ka naman makausap ng matino puro ka kasi kasungitan.try mo kayang ngumiti kahit minsan? Maganda ka naman pag nakangiti e. sa sinabi nya iyon e napaisip ako kaya di ko sinasadyang mapangiti narin. O kitam! Sabi sayo e maganda ka nga. Kaya dapat wag kang laging nakasimangot. O cge hindi na. basta wag mo lang akong iinisin para wala tayong gulo. Ok cge! So from now on friends naba tayo? Ok cge at napangiti narin ako nun at tinanggap ko ang pakikipag kaibigan nya.hanggang sa lumipas ang Ilang buwan e natagpuan ko nalang na nagiging close nadin ako sa kanya at nakikipagkwentuhan narin sa kanya hanggang sa nalaman ko ang kanyang mga sekreto. mga liniligawan nya sa loob ng aming paaralan na hindi na ako nagulat dahil kilala sya sa pagiging ganoong tao. At natatawa nalang ako pagnahuhuli sya ng mga girlfriend nya na kung sino sino ang mga kasama nya. Hoy Gerald Perez! Hindi kaba nagsasawa sa buhay mo sa pagiging babaero mo? Don’t worry hindi ka kasama sa mga babae ko! Sagot nito sa akin.Habang kumakain kami ng sabay sa canteen dahil yung mga magaling kung mga kaibigan na sila jenny e iniwan ako. Alam mo Shane lahat ng mga bagay e may mga rason kung bakit ko ginagawa ang pagsabaysabayin ang mga girlfriend ko! Eh bakit nga? Siguro hindi ko pa talaga nakikita ung pagmamahal na ibinigay sa akin ng Ex Girlfriend ko! Hah? Sino sya? Wag mo ng alamin mahabang kwento iyon.marami ka pang mga bagay na hindi alam tungkol sa akin… pag handa na akong sabihin sayo saka mo iyon malalaman. Ah ok cge. Tanging nasagot ko nalang sa kanya dahil tila nagbago ang mood nito na bigla itong naging malungkot. Shane! bilisan mo ng kumain. May practice pa kami ng sayaw at ikaw bumalik kana sa room natin.
puntahan mo na sila jenny baka sabihin nun e lagi nalang kitang inaagaw sa kanila sige na bye! Tila bigla akong naguluhan dahil tila nagbago ang mood nito wala naman akong nasabi ng hindi maganda sa kanya. Hanggang sa nag
uwian na kami hindi ko na sya nakita nun sa p.e room sabi ng mga ka kaibigan nya umuwi daw ito ng maaga. Inisip ko nalang baka masama ang pakiramdam nito.
Makalipas ang isang linggong hindi ko nakausap si Gerald dahil busy ito sa kanilang practice ng sayaw at hindi rin sya pumapasok sa klase namin. Hanggang sa pintuhan ko ito sa Gym. Gerald! Tawag ko sa kanya! O Shane kumusta na? Kamusta ka jan? ikaw ang kumusta na? grabe ka ha? Isang linggo ka hindi pumapasok sa klase natin.inuuna nyo pa yang sayaw nyo? Eh pasensya na po mahal na Prinsesa! Alam mo naman na malapit na ang Intraumural natin e diba kasali kami doon. E isa kami sa mag peperform sige ka pag natalo kami e wala kang treat! Heh wala akong pakielam sa treat mo! Madami ka ng tambak na project na hindi pa nagagawa anong gusto mong gawin ko. ako ang gagawa nun para sayo mahal na prinsepe? E hindi naman Shane.
pag natapos na itong practice namin hanggang bukas gagawin ko na po iyon! Wow para ka naman lola kung makasita. Concern na concern ka naman? Aba dapat lang pag bumagsak ka lang naman isusumbong na kita kay tita Vivian puro sayaw ang inaatupag mo! Oo na po lola gagawin ko na po. O sige para hindi na uminit ang ulo mo kumain na tayo. San ba gusto mong kumain? sa “pizzahouse” nalang. ok sige. at marami na naman kaming napag usapan tungkol sa aming buhay.
At ng gabing iyon…
napanaginipan ko may babaeng lumapit sa akin at sinabing…


“PAKISABI SA KANYA WAG SYANG MAGALIT SA DIYOS KASAMA KO NA SYA AT MASAYA NA AKO. AT PAKISABI MAHAL NA MAHAL KO SYA. LAGI LANG AKONG NAGBABANTAY SA KANYA HINDI AKO GALIT SA KANYA WALA SYANG KASALANAN SA NANGYARI.


At bigla akong nagising nun at tila pagod na pagod at puno ng luha ang aking mga mata. Hanggang sa pagpasok ko sa aming paaralan iniisip ko parin ang aking napanaginipan at naging balisa ako nun. Oy Shane ok ka lang? oo naman bakit? Napapansin ko e kanina ka pa balisa at nakatingin sa malayo ano ba problema mo?
Wala Gerald… e bat ka nagkakaganyan? Naguguluhan lang ako sa panaginip ko e. sa panaginip ko kasi may lumapit na babae maganda sya maputi at medyo bilugan ang mga mata nya na parang laging nangungusap. Napitil si Gerald at biglang nahulog sa pag iisip. Maikli ba ang buhok nya? Oo hanggang balikat lang bakit? Anong sabi nya Shane? Ang sabi nya e “PAKISABI SA KANYA WAG SYANG MAGALIT SA DIYOS KASAMA KO NA SYA AT MASAYA NA AKO.
AT PAKISABI MAHAL NA MAHAL KO SYA. LAGI LANG AKONG NAGBABANTAY SA KANYA HINDI AKO GALIT SA KANYA WALA SYANG KASALANAN SA NANGYARI. Si Lisette! iyon . Hah! kilala mo sya? OO sya iyong EX Girlfriend na sinasabi ko sa iyo. habang pinapahid nito ang luhang nangingilid sa mga mata nito. E nasaan na sya? Wala na sya. May apat na taon na syang patay. Hah? Bakit paano nangyari iyon? E bakit nya sa akin sinasabi ung mga dapat nyang sabihin sayo? Iyon nga yung pinagtataka ko e sa loob ng apat na taon ngaun lang sya nagpahatid ng mensahe para sa akin at sa iyo pa nya ito pinadaan. OO Shane tama sya, nagalit ako sa diyos dahil sa loob ng sandaling panahon nagkasama kami ni Lisette sa kanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal. At kinuha naman sya ng diyos sa akin. Naaksidente kami nabangga kami ng malaking truck at kami naman ay nakasakay sa kotse na menamaneho ko. Kasalanan ko ang nangyari Shane. wala akong nagawa para iligtas sya. Humampas ang ulo nya sa bintana na kinabasag ng ulo nito.at ako naman ay nawalan din ng malay dahil sa lakas ng aming pagka bangga. Tumama sa manibela ang ulo ko Shane at pinagtataka ko lang bakit ako ang binuhay at hindi nalang sya nakita ko pa sya nun habang nasa loob pa kami ng kotse. na nag aagaw buhay.kahit hindi ko maigalaw ang aking mga katawan naririnig ko pa sya nun at sinabi nyang mahal na mahal nya ako. At hindi naman ako nun makasagot. at sa panaginip ko nakita ko sya na nagpapaalam na sya sa akin sabi nya aalis na daw sya. At pagkagising ko nun sa Ospital nakiusap ako nun sa dyos na wag nya muna kukunin sa akin si Lesette gagawin ko lahat basta wag nya kukunin ang babaeng pinaka mamahal ko. E hindi nya ako pinakinggan ang sabi ni Mommy wala na daw si Lisette kahit masakit ang katawan ko at ang ulo ko pinilit ko syang pinuntahan sa burol nya.ang sakit na ang babaeng mahal na mahal mo ay isa ng malamig na bangkay.na alam mo na kahit kalian na hindi na sya babalik pa. nagalit sa akin gang buong pamilya nya dahil kasama ko sya at dahil sa akin kaya namatay ang Anak nila.labis ang galit ko nun sa sarili. Ko at sa dyos dahil hindi nya ako pinakinggan sa mga dasal ko.
O wag ka naman magalit sa kanya Gerald! Walang may gustong mangyari iyon sa inyo ni Lisette. at lalo na ang diyos alam mo naman na sya ang may likha sa atin.at sya rin ang may karapan kung kelan nya ito babawiin sa atin. Aksidente pala ang nangyari wala kang kasalanan.nahuli ba yung magmamaneho ng truck? Oo nahuli din sya at sya din ang nanghingi ng tulong para madala kami sa ospital.
Salamat Shane ha! at nakilala kita dahil sa iyo nasabi mo sa akin yung nais na iparating ni Lisette. Wala iyon Gerald e kaibigan kita e syempre tutulungan kita sa mga problema mo.
Pwede bang samahan mo akong dalawin sya? Oo cge. tara para maipakilala mo ako sa kanya. Dahil sa panaginip mo Shane titigil na ako sa pag papalit palit ng girlfriend. Siguro nagagalit na sa akin si Lisette sa mga ginagawa ko. Dahil nakikita nya na hindi na ako yung dati nyang si Gerald na mapagmahal at hindi manloloko. Kaya ko lang naman ginawa yun dahil hinahanap ko sa mga babae katulad ng ugali ni Lisette na mapagmahal at napaka bait.sayang nga lang dahil wala na sya.alam mo yung araw ng naaksidente kami. celebration namin nun ng highschool graduation. Yun nga lang late na mga 3days pa kami nun bago kumain sa labas. dahil after ng graduation nagcelebrate kami kasama
Ang kanya kanyang mga pamilya namin, e ang gusto ko nun na may solo din kaming celebration na kaming dalawa lang. e ayun habang ng pauwi na kami nabangga naman kami. Ang lambing nya habang kumakain kami nun at sabi ko sa kanya ubusin mo yang pagkain mo ha. “Ayoko ng may natitira” mahilig kasing magtira yun sa plato e yun ung kaunti nalang e hindi pa nya uubusin.e yung araw na iyon sinunod nya ako at inubus lahat ng nasa plato nya sabi pa nga nya oo lahat uubusin ko iyan.baka kasi hindi ko na matikman lahat ng pagkain na nasa harap ko e.sabay ngiti ng matamis sa akin nun. Yun pala yun na pala yung huling araw na magkakasama kami.
Sorry to hear that Gerald! Hindi ko alam na may ganoong pangyayari na dumating sa buhay mo isang mapait na alaala. Hanggang sa makarating kami ni Gerald sa libingan ni Lisette nanatiling wala ng kibo si Gerald.naging tahimik na ito na minsan pinipilit nalang nitong ngumiti. Habang sya tahimik na nagdarasal at punong puno ng luha sa mga mata nito sa harap ng libingan ni Lisette. Awang awa ako nun kay Gerald.dahil sa nangyari sa buhay pagibig nito kung bakit ako nagtataka dati na wala itong matinong girlfriend kundi ang gusto nito ay magpapalit palit.isang babae lang pala ang tunay nitong minahal yun ay si Lisette. ang isang babaeng ubod ng ganda at bait. Natagpuan ko din ang sarili ko na kasama ko si Gerald na papasok sa kami sa loob ng simbahan.
Lord patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan patawad po at nagalit ako sa iyo.dahil sa nangyaring aksidente sa amin ni Lisette. Nawalan ako ng paniniwala sa inyo.salamat po sa pagkakataon na ibinigay ninyo upang magbalik loob sa inyo. Dahil kay Lisette at Shane naliwanagan ako upang magbalik loob sa inyo.patawarin nyo po sana ako sa mga nagawa ko.alagaan nyo po si Lisette na kasama mo na sa piling mo na ngayon.at salamat po dahil dumating sa buhay ko si Shane.
At ng pagkatapos ng pangyayaring iyon lahat ng sanabi sa akin ni Gerald lahat yun tinupad na niya. Yung mga babaeng girlfriend nya sa school lahat iyon hiniwalayan na nya. Ibinalik nya yung Gerald na simpleng tao lang.
at iniwasan na naming na pagusapan si Lisette dahil ayaw na nya maalala ang malulungkot na bagay na naging bahagi ng kanyang nakaraan. At tuwing linggo magkasama narin kaming nagsisimba.
Napakasaya ko ng mga araw na magkasama si Gerald Masaya ako dahil nabubuhay na sya ng normal at nakalimutan na nya ang masasakit na alaala. May direksyon na ang kanyang buhay ngayon alam na nya ang tama mali.
nagsimula ulit syang magbuo ng mga pangarap ulit.
Lumipas ang mga araw na hindi ko namamalayan na napapamahal na ako sa kanya nalulungkot ako pag hindi ko sya nakikita o nakakasama. Alam ko na wala naman syang obligasyon sa akin dahil wala naman kaming relasyon. alam kung magkaibigan lang kami. At alam ko din na hindi ko mapapantayan ang pagmamahal nya kay lisette.
O Shane! Bakit ba ang tahimik mo? Bati sa akin ni Jenny. nasa Bahay kami nun ni Cecile gumagawa kami ng project para sa finals namin.
Nagtatanong ka pa Jenny e hindi nya kasama si Gerald.malamang malulungkot iyan. Shane umamin ka ha inlove ka dun no? alam mo ha kung hindi ka pa namin kukunin sa taong iyon sa tingin mo paano ka pa namin masosolo?
Minsan nagtatampo na kami dahil lagi mo kasama yun. Sorry Girls. ngayon busy na sya. at kailangan ko ng umiwas sa kanya para mapatay ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko naman na hindi ko mapapantayan si Lisette. Sa loob ba ng panahon na magkasama kayo ni minsan ba hindi man lang nya sinabi na mahal ka din nya? Naku Cecile syempre hindi! hindi man lang ba nya naramdaman na mahal ka din nya? E diba ayaw ka nga nya may kasamang ibang lalaki gusto nya sya lang ang kasama mo. Ni hindi ka nga nya pinapaligawan sa iba e may lalapit pa lang sayo e sinisita na nya agad. Na bawal ka na lapitan.tapos wala pala syang nararamdaman sayo? E makasarili pala sya e. kaya hindi ka malapitan ni Andrei dahil lagi yung Gerald na yan ang kasama mo. alam naman natin lahat na dati mo pa crush yang si Andrei Cayetano na yan. Wow ha Graduation na natin nextmonth ni Isang date na invitation sayo ni Andrei ni isa doon wala kang pinupuntahan dahil ayaw ni Gerald na magpunta ka. At bantay sarado ka.
Kung ako sayo Pag niyaya ka ulit ni Andrei pumunta ka na wag mo ng ipaalam kay Gerald utang na loob.
dahil hindi mo naman sya boyfriend. Ni hindi ka naman pala nun liniligawan. E ang akala ko nga e kayo na. dahil lagi kayong magkasama. hindi pala. Oo na mga friends iiwasan ko na sya. Hanggang kayak o pang patayin ang nararamdaman ko para sa kanya.
O ayan na Shane nagriring ang cellphone mo baka si Andrei na yan sagutin mo na.
“Hello? Hi! its me Andrei. Can I invite you this Saturday? Sa timesquare 4:00pm sana wag mo na akong tanggihan this time?” a oo cge Andrei pupunta ako.kita nalang tayo dun ha. Cge bye!
Hay naku salamat naman at pumayag kana sa wakas! Matagal ng nagtatanong si Andrei kung ok lang ban a I invite ka nya ng dinner. E ang sabi namin bawal kang magpagabi ng uwi hahaha! Kaya yun niyaya ka nya ng hapon. Naku Jenny tumigil nga kayo jan sa kakaasar nyo sa akin oo nga no. masunurin nga hapon nagyaya. O basta pumunta ka ha.dream come true mo nay an friend. Sumingit lang sa eksena yang Gerald nay an e. imbis na dati ka pa popormahan nyan sana ni Andrei nauudlot lang dahil natatakot atang lumapit sayo ung tao dahil kay Gerald. At sinabi din namin na hindi mo boyfriend si Gerald. Thanls friend Sa support!.
At ng sabadong iyon pumunta nga ako sa timesquare wala pang alaskwatro ng hapon nandun na ako. At tinext ko nung araw nay un si Gerald…
Gerald nasaan ka? Nandito ako sa practice namin. Alam mo ba may sasabihin ako sayo pagnagkita tayo! Ano yun? Basta pagnagkita tayo. susunduin nalang kita sa bahay nyo. Ok cge bye! Oy ingat ka. nga pla may nagreport pla sa akin na magkikita kayo ni Andrei Cayetano mo. ha! Sino? Alam mo naman na kahit hindi tayo nagkikita may mga mata ako sa paligid mo. cge enjoy ur day! Pero pag aq nainis baka sunduin pa kita jan sa kinaroroonan mo ngaun at kunin kita jan pabalik sa bahay nyo. Pero don’t worry di q gagawin yun ibabalato ko muna sa kanya ang araw ngayon.
Hindi na ako nakasagot pa sa huli nyang txt sa akin nun. natakot na ako baka kung ano pang sasabihin nun. At bigla akong pauwiin. Naisip ko baka si Mommy ang nagsumbong sa kanya dahil nabanggit ko pala na magkikita kami ni Andrei bago ako umalis ng bahay. Naging ok naman ang pagkikita namin nun ni Andrei.kumain kami nun at naglalakad lakad sa mall. Pero nararamdaman ko na boring syang kasama hindi kasing saya pag kasama ko si Gerald. Nagpahatid narin ako kaagad. Wala pa ngang alas otso ng gabi e nakauwi na ako sa bahay.
Hinintay ko ang mga araw na sinabi sa akin ni Gerald na may sasabihin sya sa akin nun.na susunduin nya ako sa bahay namin. Ngunit lumipas ang mga araw na hindi sya dumating.hindi ko rin sya nakikita sa school.tinatawagan ko sya ngunit hindi nya sinasagot ang mga tawag ko at mga txt messages. Nag alala ako kaya naisipan kung puntahan sya sa bahay nila.ngunit sarado ang bahay nila walang tao. Hanggang sa dumating ang graduation day namin hindi rin sya nagpakita.ganun din yung mga teachers namin nagaalala na sa kanya.hinanap din sya ng mga kaibigan nya ngunit hindi rin sya nakita. Halos hindi na ako makahinga sa pag aalala sa kanya wala din yung mga kamag anak nya para mapagtanungan ko kung nasaan sya. Hanggang sa natapos ang graduation day walang Gerald na nagpakita. Iyak na ako ng iyak at halos mamatay na ako sa pag aalala. Anak tahan na darating din si Gerald. Mommy! Nasaan na po kaya sya? Hindi ko din alam anak. Tinawagan ko lahat ng mga kamag anak nya ngunit hindi rin sila sumasagot sa mga tawag ko. Pati ang mga kaibigan ko halos doon na nakatira sa aming bahay. 3 araw na simula ng matapos ang aming graduation day. Walang Gerald na nagpakita.
Hanggang sa napagpasyahan ko ulit na bumalik ulit sa kanilang tahanan at naabutan ko doon ang si Tita Isabel.
Tita Isabel! Si Gerald po? Bakit ilang araw din po kayong wala dito sa bahay nyo? Saka ko napansin nun si tita Isabel na magang maga ang mga mata. Tita? Bakit po ano pong nangyari? Please tita magsalita po kayo.
Tita natatakot napo ako ano po ba iyon? At dito na muling bumuhos ang mga luha ni tita Isabel.
Shane anak! Wag kang mabibigla. Tita ano po ba iyon? Wala na si Gerald Shane! Wala na sya hindi na sya babalik pa. ano pong ibig nyong sabihin tita? At hindi ko na rin mapigilan ang mga luha na namumuo sa mga mata ko at patuloy na itong bumuhos.sobrang kaba at takot na ang nararamdaman ko kahit hindi ko pa naririnig ang sasabihin ni tita Isabel mukhang alam ko na na ang sasabihin nya. Ano ba ang sinasabi nya na hindi na babalik si Gerald?
Shane! patay na ang anak ko. Ho! Nasaan po sya tita? Ang katawan nya po nasaan na? nailibing na sya …"nasagasaan sya.."
ay sya nga pala natagpuan ko ito sa bag nya sulat nya para sa iyo…
at inabot ni tita Isabel ang sobreng naglalaman ng sulat para sa akin ni Gerald.
tita bakit noong mga nakaraang araw punta po ako ng punta dito sa bahay ninyo wala pong tao ni hindi nyo man lang ako hinanap o tinawagan? Yung mga kamag anak nyo wala po akong ni isa nakita? Nasa Cebu kami noon
nagbabakasyon. Bago kayo mag Graduation yun na ang regalo namin sa kanya. At habang nasa ospital sya ang sabi nya wag ko na daw sabihin sa iyo dahil ayaw ka nyang mag alala pa. hindi narin kami nag ingay sa mga tao sa school nyo.pati sa mga kaibigan nya.masyadong mabilis ang pangyayari anak. Wala kami nagawa ng daddy nya para iligtas sya.
Saka ko binasa ang sulat.


DEAR SHANE,
SORRY KUNG HINDI AKO NAGPAPAKITA SAYO LATELY. DAHIL BUSY TALAGA AKO. EXCITED NARIN KASI AKO SA GRADUATION DAY NATIN E. PARA MASABI KO NA ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA IYO. SHANE MAHAL NA MAHAL KITA. AT DAHIL SA IYO NAKALIMUTAN KO SI LISETTE. IKAW ANG NAGPABAGO SA AKIN. SA BUHAY KO. BINIGYAN MO NG LIWANAG ANG MADILIM KUNG BUHAY. AT DAHIL SA IYO NABAGO MO AKO. AT NATUTO AKONG MAGBALIK LOOB SA DIYOS. LUBOS ANG PASASALAMAT KO SA KANYA DAHIL BINIGAY KA NYA SA AKIN. SINULAT KO MUNA.PARA PAG NAGKITA TAYO SAKA KO SAYO SASABIHIN NG DIRECHO SAYO. SINASADYA KO DIN NA HINDI SUMAGOT SA TAWAG MO AT SA MGA TXT MESSAGES MO. NABABASA KO NAMAN LAHAT YUN. SORRY TALAGA NAGPAPA MISS LANG AKO.


I LOVE YOU SO MUCH….
LOVELOTS GERALD


Tita sana hindi kayo naglihim. sinabi nyo sana kaagad sa akin para napuntahan ko sya kaagad. Maski kami rin Shane magulo ang isip naming nun ng kanyang daddy kaya lahat ng mga kamag anak naming ditto e pumunta na rin sa Cebu hindi narin ipinaalam sa iyo. Saka ko napansin ang larawan ni Gerald na nasa altar at may tirik ng kandila.
Wala na akong nagawa nun kundi umiyak nalang ng umiyak. Ni hindi ko man lang sya nakita kahit sa huling sandali.
Wala na akong nagawa kundi tanggapin nalang ang nangyari mahirap man ito tanggapin.
At sa panaginip ko nalang nakilita nun si Gerald. Ang sabi nya Masaya narin daw sya at lagi lang daw sya magbabantay sa akin. Siguro nga hindi talaga kami para sa isat isa. May mga bagay pa sana ako na nais pang itanong sa kanya pero alam ko naman na hindi na ito mabibigyan ng sagot.
May mga bagay na may rason kung kaya nangyayari ang mga ito. Siguro nga ipinahiram lang sa akin si Gerald. Na kahit sandaling panahon lamang na nagkasama kami ay naramdaman ko naman kung paano mag mahal at mahalin. At kahit hindi man ito sabihin….
Hihintayin ko nalang na isang araw na muli kaming magkikita…

 

                                                 ……..Wakas…….

The End

0 comments about this story Feed